NAGTAPOS ng master’s degree in management major in public administration sa Philippine Christian University (PCU) ang aktor na Jomari Yllana.
Ayon kay Jomari, tinapos niya ang degree nang dalawang taon at nagdesisyon siya na muling mag-aral noong kasagsagan ng pandemya.
“There was a time na mayroon akong gustong mga ma-achieve at tapusin. Syempre lumipas ang panahon, half a century na ‘tayo, almost half a century, so nagkaroon tayo ng decision-making,” aniya sa panayam ng mga reporter.
“Everything changed during the pandemic. Sabi ko sa asawa ko magugunaw na ang mundo. Nagising ako isang umaga, walang wala na ako. Parang everything that I had, binigay ko na. ‘Yung outlook sa buhay iba na, kailangan matapos ko ‘yung mga dapat. The best feeling is giving back to people na nag-support sa amin,” dagdag niya.
Nasa huling termino na si Jomari bilang konsehal ng Parañaque at sinabi niyang wala siyang balak tumakbo sa midterm elections sa susunod na taon.
“Everything is so challenging. Nagbago na lahat. Nandito tayo to prepare a better future for everyone. Bilang public servant ito ang pinasok ko. Kailangan well-equipped ka rin talaga sa makabagong panahon. I’m proud to say with most humility na mas masarap sa pakiramdam na kahit anong posisyon kaya mo nang tanggapin,” paliwanag niya.