Jolina Magdangal sa anak: Ibigay mo na lang kay mommy ‘yang sakit mo

ILANG araw na walang tulog ang actress-host na si Jolina Magdangal dahil sa lagnat, ubo at sipon ng anak na si Vika.

Sa labis na pag-aalala ay itinakbo na niya sa pagamutan ang anak para mas matingnan na ng mga doktor.

“Bigat talaga sa kalooban pag nagkakasakit ang anak natin. Ilang gabi na rin ako hindi makatulog kasi pagising gising si Vika dahil hirap sya sa ubo at sipon nya, at nakamonitor kami kasi baba taas yung lagnat nya,” kuwento ni Jolina sa Instagram.

“May mga iniinom na sya na gamot mula nung Saturday na nagpa check up kami. Kahapon naiiyak na sya kasi tuwing uubo daw sya sakit nga ng tummy nya (kasi siguro pag nauubo parang tumitigas yung tiyan nya) tapos di na bumababa yung lagnat kaya agad agad dinala na namin sya sa ospital,” dagdag niya.

Maayos na ang lagay ng anak mula nang ma-confine ito.

“Mas naging ok sya ngayon kesa kahapon…Naalala ko parents ko kasi nasabi ko din kay Vika yung sinasabi nila sakin dati pag may sakit ako.. “‘Anak, bigay mo nalang kay Mama yang ubo at sipon mo para hindi ka mahirapan.’ Nasabi nyo din ba yun sa babies nyo pag nahihirapan sila pag may sakit?” wika ni Jolina.

Ayon sa “Magandang Buhay” host marami siyang nakitang bata na ina-admit nang dalhin niya sa pagamutan si Vika.

“Daming bata sa ER kawawa. Ingatan natin mga anak natin sa flu,” sabi niya.