LAOS. Walang relevance. Hindi kilala.
Ilan lamang ito sa ginawang paglalarawan ng mga fans ng “Limitless Star” na si Julie Anne San Jose sa singer-actress na si Jolina Magdangal sa gitna ng away kung sino ang karapat-dapat tawagin na “Pop Icon” sa dalawa.
Nagsimula ang gulo nang ipakilala si Julie Anne bilang “the Pop Icon” sa promotion ng “The Voice Generations” sa GMA na inalmahan naman ng Jolina supporters.
Sey ng mga Jolina stans, ang 90s superstar lang ang may karapatang tawaging “the Pop Icon” at original “Multimedia Star” dahil sa dami ng hit movies at songs at fashion trends na napasikat nito.
Sa Twitter, nagbuhos ng sentimyento ang mga supporters ni Julie Anne.
“It is safe to say that Jolina became relevant AGAIN because of Julie Anne. Well, that’s the power of Asia’s Limitless Star! She’s indeed a true POP ICON of the century.”
“Let’s stop living in the past. Here are the receipts. Now who’s more successful and who’s long overdue?”
“90s era pa ba to beh. Hindi siya kilala ng Gen Zs at younger millennials. Wala akong alam sa mga kanta niya kasi maybe hindi ko naabutan. She’s a POP Icon but not to my generation. Wag kayo mag-invalidate ng success ng mga new pop singers. Sila ang may relevance sa new gen now.”
“Jolina’s big move to GMA was a total FLOP due to her old-fashioned image and vibe! UNSUITED for MODERN TV, particularly at GMA where HOTTER stars with STRONGER mass appeal swallowed her up. Jolina couldn’t keep up with the trend! Hahaha.”
“Tagal tagal na nyang naka tambay sa ABS di nmn sya pinag uusapan kahit sa Magandang Buhay, si Melai at Karla lagi trending dun lol isa syang malaking design.”