John, Priscilla, 2 taon nang hiwalay ng higaan?

KUNG paniniwalaan si Cristy Fermin, noon pang 2022 ay sa magkahiwalay na kama na natutulog ang mag-asawang John Estrada at Priscilla Meirelles?

Sa kanyang “Showbiz Now Na” vlog, sinabi ni Cristy na ayon sa kanyang source ay dalawang taon nang hiwalay ng higaan ang celebrity couple.

“Lumabas ang kuwento, ayon sa isang source, na 2022 hindi na sila talaga magkasamang matulog. Ayaw lang magpabanggit ‘yung source ng pangalan. Talaga raw na ganoon na ang estado,” sey ni Cristy.

“Kung totoo ‘yun 2022, e 2024 na, sila pala ‘yung naba-blind item na mag-asawa na hindi na nagtatabi sa kama,” dugtong ng showbiz writer at host.

Matatandaang itinanggi ni Priscilla na “mutual decision” ang pansamantala nilang hiwayalan ni John.

Sa Instagram, sinabi ni Priscilla na nalungkot at nagulat siya sa mga pahayag ng aktor sa publiko.

“There was never any mutual agreement regarding our separation,” aniya.

“We were married when I left the Philippines, and we remain married as of this time.”

Tumanggi naman siya na isapubliko ang pinagkasunduan nila ni John ukol sa kanilang relasyon.

“Regardless of what those maybe, however, it won’t change the course of [fate],” dugtong niya.