WAPAKELS ang aktor na si John Estrada sa mga haka-haka ng publiko kaugnay sa babaeng foreigner na naispatan na kasama niya sa isang bar kamakailan.
Kamakalawa, November 1, ay nag-viral ang video ni John kasama ang mystery woman na hinihinala ng mga marites ay ang babaeng ipinalit niya sa asawang si Priscilla Mireilles.
Sa video ay makikitang nag-eenjoy si John habang nakaakbay sa hindi pa nakikilalang babae.
“Honestly, I don’t owe anyone an explanation. I have every right to befriend who I like to be friends with,” ani John sa mga nang-uurirat sa status nila ng mystery woman.
“But once and for all, I’m going to say this, I have every right to befriend who I like to be friends with. Male or female,” dagdag niya.
“Like any normal human being. The only difference is I’m a public figure,” sambit pa ni John.
Wala pang reaksyon si Priscilla ukol dito.
.