MADAMDAMIN ang mensahe ni John Estrada sa kapwa-aktor na si Coco Martin na nagdiwang ng ika-43 kaarawan nitong November 1.
Ipinost ni John sa Instagram ang clip nila ni Coco na sakay ng helicopter.
Caption niya: “Sa aking pinakamamahal na Hari, kapatid at kaibigan. Happy happy birthday Co.”
“Sabi ko nga sa yo e halos lahat nasa yo na, ang dasal ko na lang talaga sa Diyos e yung ilayo ka sa kapahamakan at sa karamdaman. I love you so, happy birthday!” dagdag ni John.
Magkasama ang dalawa sa top-rated Kapamilya action-serye na “FPJ’s Batang Quiapo.”
Ginalugad naman ng ilang netizen ang mga social media accounts ni John at napansin nila na hindi nito binati ang asawang si Priscilla Mireilles nang mag-birthday ito noong September.
“Birthday ng wife…wala bang appreciation post?”
“Mabuti pa si Coco di nakakalimutang batiin ni John.”
“John pls pursue your wife again. God will bless you in ways you could not imagine.”