John Estrada, misis naispatan sa Singapore; nagkabalikan na ba?

AGAD “pinatay” ng Brazilian beauty queen na si Priscilla Mireilles ang isyu na nagkabalikan sila ng mister na si John Estrada makaraang kumalat ang mga larawan na magkasama sila sa Singapore Grand Prix kamakailan.

Ibinahagi ni Priscilla sa Instagram ang ilang photos ng pagdalo niya sa F1-Formula Race kasama si John at ilan pang personalidad.

Sa comment section ay klinaro naman niya na trabaho ang pinunta niya sa Singapore.

“Work lang po. Thanks for understanding,” sey ng misis ni John.

Matatandaan na noong July, ibinandera ni John ang photos ng bakasyon niya sa Boracay.

“Looking very divorced Mr. Estrada,” komento ni Priscilla sabay tag sa kasamang babae ng mister sa pics na nakilalang isang Lily Hallman.

Kalaunan ay isiniwalat ni John na matagal na silang walang ugnayan ng asawa.

“Priscilla and I have mutually agreed to take a break for quite some time now,” aniya.

Itinanggi naman niya na may relasyon sila ni Lily.