Joel Lamangan itinangging tsinansingan si Ahron Villena: Hinigpitan ko lang ang plaster

ITINANGGI ng award-winning director na si Joel Lamangan na inabuso niya ang aktor na si Ahron Villena noong baguhan pa lang ang huli.

Ito ang sinabi ng showbiz writer na si Jobert Sucaldito na nakausap umano ang direktor kaugnay sa mga patama ni Villena.

“I called direk Joel Lamangan the other night and nagkausap kami and I asked him about this thing kung siya ba ‘yung pinapatungkulan (ni Ahron),” chika ni Jobert sa “Oras ng Opinyon, Talakayan at Diskusyon” o “OOTD” vlog kasama ang direktor na si Chaps Manansala.

Buong kuwento ni Jobert: “Umamin siya (Lamangan) na siya ‘yung pinapatungkuklan ni Ahron. May lumabas na cryptic post itong si Ahron Villena about the sexual harassment thing at ikinuwento niya na when he did a film na cameo role daw siya ay mayroon daw nang-harass sa kanya na isang movie director.

“Pinaalis daw ng direktor ang make-up artist na naglalagay ng plaster sa kanyang private part para sa isang scene sa pelikulang ‘yun, pero pinalabas daw ng direktor at siya na raw ang nagkabit ng plaster at saka ayon sa kuwento ni Ahron Villena parang thrice yata nadaplisan ‘yung private part.

“Tapos incidentally may lumabas na video itong si direk Joel na hindi ko alam kung anong nauna na ‘yung tungkol sa mga ganito, mga bading at mga bagong artistang lalaki na matagal na raw ito (nangyayari) panahon pa ng kopong-kopong.

“And yes umamin nga na siya ang pinapatungkulan, pero ganito raw ‘yun.  There was this film daw na starring Lovi Poe kung saan may cameo role nga itong si Ahron Villena.

“So, ang eksena ay medyo maselan kasi si Lovi Poe ang makakasama sa love scene kaya ang ginawa niya (Lamangan) ‘yung make-up artist nga raw na ’yun ay pinaalis niya at siya na ang maglalagay ng plaster kay Ahron Villena.

“Nagmagandang-loob lang daw siya at sinabihan niya si Ahron na huwag magpalagay sa make-up artist baka ikalat niya at kung ano ang ikuwento about you something like that and which is normal yan.

“At ang ginawa niya ay hinigpitan lang niya ‘yung plaster para hindi kumawala kasi nga may ka-love scene siyang artista at wala raw siyang intensiyon para tsansingan.”

Dagdag ni Jobert, wala siyang pinapanigan kina Ahron at Joel. “Kumbaga his word against Ahron,” sabi niya.