Joel Lamangan ipinagtanggol 2 inakusahan ng rape ni Sandro Muhlach

DINEPENSAHAN ng batikang direktor na si Joel Lamangan ang dalawang independent contractors ng GMA-7 na sina Richard “Dode” Cruz at Jojo Tawasil Nones.

Sa isang panayam, iginiit ni Lamangan na kilala niya ang mga pagkatao nina Cruz at Nones.

“Mababait ‘yung mga bading na ‘yun. Hindi naman balahura. Mabait si Dode. Kawawa naman ‘yun,” aniya.

Inihayag din ng direktor na matagal nang nagaganap ang mga kasong katulad ng kay Sandro Muhlach, na inireklamo ng rape sina Cruz at Nones sa Department of Justice.

“Matagal na ang mga ganyan, luma na ang mga kasong ‘yan. Hindi naman ‘yan bago,” pahayag niya.

“Noon pa, meron nang ganun, day! Hindi lang nabubulgar, Diyos ko! Panahon pa ng kopong- kopong, meron na yun. Diyos ko! lIang mga artista na naging leading man at sumikat na nanggaling sa bading. Andami,” dagdag pa ni Lamangan.