JM de Guzman rumesponde sa sunog

RUMESPONDE sa isang sunog ang aktor na si JM de Guzman sa Paco, Maynila.


Sa isang Instagram live, pinakita ni JM na papunta sila sa lugar kung saan may nagaganap na sunog.


“Okay guys, totoong sitwasyon ng pagresponde. Habang nagpapahinga kami, biglang may sunog sa Paco, Manila,” pahayag ng aktor.


Aniya, kabado sila ng kanyang team dahil unang beses nilang sasabak sa totoong sunog.


“Pupunta kami ngayon doon para rumesponde. Kinakabahan po kami dahil first time po namin sasabak sa ganitong sitwasyon,” aniya.


“Malaki raw ‘yung sunog. Di po ‘to drama or teleserye, just real life,” dagdag ng aktor.


Kamakailan ay nag-post ang aktor na sumasailalim siya sa basic fire fighter volunteer training.


Si JM ay isa ring Philippine Air Force reservist. –A. Mae Rodriguez