JM De Guzman damay sa hiwalayang Aljur at Kylie

IDINADAWIT ang aktor na si JM De Guzman sa usapang “third party” sa paghihiwalay nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.


Komento ng isang netizen sa post ni Kylie sa Instagram, marami umano ang nanliligaw sa anak ni Robin Padilla at isa rito si JM.


“Totoo po ba na kaya mo iniwan si Aljur dahil high maintenance ka po at di afford ni Aljur luho mo? Tapos po maraming mayayaman ang nanliligaw sa you patu mga artista at isa dun si @1migueldeguzman yun po kasi ang sabi ni Xian Gaza eh salamat po,” chika ng netizen.


Isang maikling “That’s not true” lang ang sagot ni Kylie.


Maraming pangalanan ang isinasangkot sa isyu kabilang sina Cindy Miranda at Maika Rivera.–A Mae Rodriguez