WALA umanong panahon ang aktres na si Jillian Ward para patulan ang mga pahayag ng kapwa-Kapuso actress na si Sofia Pablo ukol sa kanilang umano’y away.
Sa panayam ng GMA-7, sinabi ni Jillian na masyado siyang abala sa trabaho at sa mga personal na problema para makipag-away.
“I’m doing so much in my life, I don’t have time to fight with anyone. So hindi ko po alam saan nanggaling ang narrative na ‘yun or fighting,” paliwanag niya. “I’m doing different things and I’m self-reflecting still ‘yung sa separation ng parents ko.”
Dagdag ni Jillian: “I’m just confused on what’s happening. I feel like what we need right now with everyone is to focus on ourselves and to be very honest with everyone around us and with ourselves.”
Bago ito, isinapubliko ni Sofia ang “feud” nila ni Jillian na nagsimula ilang taon na ang nakalilipas.
“Actually, lagi siyang natatanong sa akin and I’ve always said na hindi kami magkaaway, hindi rin kami magkasundo or something,” lahad niya.
“Pero the truth is, I say that para iwas na issue sa amin both. Kumbaga, it’s a feud na sobrang tagal na. I think one of the things kaya hindi namin siya naayos is because we never got to talk about it,” dagdag niya.