Jillian Ward kinikilig sa secret crush

HINDI na ang kanyang pamilya ang nagpapakilig sa Kapuso actress na si Jillian Ward.

Sa isang panayam ay umamin si Jillian na pakiramdam niya ay nagbago na ang kanyang awra dahil sa kanyang crush.

“Blooming dahil may nagpapakilig po sa akin araw-araw,” ayon sa “Abot Kamay Na Pangarap” star.

“Dati lagi kong sinasabi na ang pamilya ko ang nagpapakilig sa akin, pero ngayon ay may isa akong crush na feeling ko kinikilig ako pag kasama ko siya. Actually hindi niya alam na crush ko siya,” chika niya.

Hindi naman niya pinangalanan ang kanyang crush.

“Basta sa akin na lang po ‘yon. Ganito na lang, kaibigan ko siya pero hindi niya alam na gusto ko siya. Kaya kung mapapanood niya ito, ewan ko kung alam na niya. Importante masaya po ako. Hindi ako madaling kiligin, hindi madaling magkagusto sa isang tao pero nakikita ko na genuine siyang tao at pag kasama ko siya ay napapatawa niya ako,” pagre-reveal ng dalaga.

Ibinalita naman ni Jillian na pinapayagan na siyang magka-boyfriend ng kanyang parents.

“Single ako ngayong taon pero malay n’yo po next year may boyfriend na ako,” wika niya.