SA kauna-unahang pagkakataon ay nag-react ang Kapuso actress na si Jillian Ward sa intriga na mayroon siyang “sponsor” kaya nakakabili siya ng mga luxury cars.
Sa isang panayam, iginiit ni Jillian na sa sariling pawis niya nanggaling ang mga bagay na mayroon siya.
“Two years old pa lang ako, naka-diaper pa lang ako, nagwo-work na ako. Hindi pa po ako nakapagbabasa, nagwo-work na ako,” ani Jillian na nagsimula bilang commercial model sa edad na lima.
“Yung cars ko, galing sa mga endorsement ko, sa mga taping ko. Ilang years na akong nagte-taping, 15 years na next year sa 20th birthday ko,” paliwanag niya.
Naglabas din ng sama ng loob si Jillian dahil nagsimula ang mga aniya ay fake news sa kanya noong 16 anyos siya.
“Ganyan na po sila ever since. Parang underage pa lang ako, ang dami nang misconceptions about me…Parang ang cruel kasi underage ako tapos meron silang mga sinasabi na mga scandalous na mga bagay na wala po talagang basis. Sobrang fake news. Ilang taon ako noon? Sixteen,” wika niya.
Kaugnay sa bonggang debut niya noong isang taon, sinabi ni Jillian na pinaghati-hatian niya, ng GMA, at mga ine-endorse niyang company ang gastos sa party.
“Napag-ipunan ko po lahat nang meron ako ngayon. So, kumbaga lahat ng meron ako, galing po ‘yan sa hard work ko talaga. Sa malinis na paraan,” pagdidiin pa ng aktres.