Jeyrick ‘Carrot Man’ Sigmaton waging best actor sa New York

NAAALALA pa ba ninyo si “Carrot Man?

Isang malaking karangalan ang inuwi ni Carrot Man o si Jeyrick Sigmaton para sa bansa matapos siyang tanghalin bilang Best Actor para sa short film na Dayas sa International Film Festival Manhattan (IFFM) Autumn 2021 New York.

Ang Dayas ay isang short film na dinirehe ni Jianlin delos Santos sa ilalim ng produksyon ng Be Unrivaled Production.

Hango ito sa totoong istorya ng isang Igorot at buhay ng mga minero sa Itogon, Benguet.