Jessy tinalakan vloggers na ginawang content si Rico Yan

PINUNA ng celebrity mom na si Jessy Mendiola ang mga vloggers na ginagawang content ang pagdalaw sa puntod ng namayapang aktor na si Rico Yan.

Sa Instagram, pinunto ni Jessy na tila kinalimutan ng mga vloggers ang pagrespeto sa mga namayapa sa ngalan ng clout.

“Wala na ba magawang matino ang mga social media addicts? Konting respeto naman sa namayapa na at pati na rin sa pamilya ng yumao. Susme. Lahat na lang ba para sa likes, followers and views?” pang-uusig ni Jessy.

“Nakalimutan na yata ng mga tao ang salitang ‘respeto’. Wala nang decency,” dugtong ng misis ni Luis Manzano.

Pumanaw si Rico dahil sa acute hemorrhagic pancreatitis habang nagbabakasyon sa Puerto Princesa City, Palawan noong March 29, 2002.