Jericho Rosales sa ika-45 kaarawan: More babies!

SA edad niya, gusto ng aktor na si Jericho Rosales na magkaroon pa ng maraming anak.

Sa interview ni Karen Davila, isinapubliko ni Jericho na gusto niya na magkaroon ng maraming kapatid ang panganay niyang si Santino.

“Do you still want more children in the future?” tanong ni Karen.

“Of course! The quick answer is yes. I can’t say no to that,” ani Jericho.

Gayunman, inamin niya na hindi pa siya handa sa kasalukuyan dahil tinututukan niya ang career.

“I’m restarting my career, my life. Parang ganyan,” pahayag niya.

Si Santino, 23, ay anak ni Jericho sa dating karelasyon na si Kai Palomares.

Wala siyang naging anak sa asawang si Kim Jones sa halos 10 taon nilang pagsasama.

Pinagdiriwang ngayong araw ng linggo ni Jericho ang kanyang ika-45 na kaarawan.