Jennylyn hindi pinayagan ng anak na mag-gala

HINDI nakadalo ang aktres na ai Jennylyn Mercado sa GMA Gala na ginanap nitong Sabado dahil may sakit ang anak na si Jazz.

Ayon kay Jen, naglambing si Jazz na huwag na siyang umalis kaya bilang nanay ay inuna niya ang pag-aalaga sa anak.

Hirit pa ng aktres ay hindi siya nag-inarte gaya ng pinalalabas ng mga bashers dahil pinaghandaan niya ang okasyon.

Sa katunayan, sey ni Jen, nakapagpagawa siya ng gown na isusuot niya para rito.

Sa Instagram, shinare ng aktres ang ilang photos niya na suot ang damit.

“Nandiyan si Crush… act normal. #modeling101,” caption niya. Bago ito, tinaasan ng kilay ng netizens ang naunang IG post ni Jennylyn kung saan makikita na nasa bahay ito, nanonood sa Netflix at kumakain ng Cheetos habang nagaganap ang GMA Gala.