Jennyln Mercado buntis, ikakasal na kay Dennis Trillo

IKAKASAL na ang long-time couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Ayon kay Jennylyn, wala siyang idea na magpo-propose na sa kanya ang boyfriend kaya naman ikinagulat niya ito.

“Wala akong ka-ide-idea kasi hindi na nga ako bumababa ng bahay, pero nung time na ‘yun sabi sa ‘kin ni Dennis na bumaba kasi may shoot daw…nagkaroon ako ng kutob nung nagsimula siyang magsalita kasi seryoso niya akong kinakausap tapos lumuhod,” chika ng aktres/host.

Kasabay nang anunsyong ito sa vlog ni Jennylyn ay ang pag-anunsyong nine weeks na siyang buntis.

Parehong may sari-sariling anak ang dalawa mula sa mga previous relationship nila, bago sila naging couple.