ISA si Alex Gonzaga sa mga nakatrabaho ni JC de Vera na mayroon umanong “attitude”.
Sa isang panayam, ikinuwento ni JC ang hindi niya malilimutang karanasan nang una niyang makita nang personal si Alex.
“Pero eto naman, nakakatawang pag-a-attitude yon,” paglilinaw ng aktor.
Buong kwento niya:
“Yung bagong lipat ako dito [sa TV5], may ginagawa kami nun, yung Lokomoko, yung gag show, tapos…Sige, pangalanan ko na.
“First time kong makilala si Alex Gonzaga.
“Hindi ko siya kilala personally, pero since makakasama ko siya sa isang show, nakilala ko na siya.
“Yung first few taping days namin dun, e, nag-out-of-town shoot kami. So, naka-shades ako na pula, Oakley, naaalala ko pa, hindi ko talaga makalimutan.
“Tapos tinanong niya ako, ‘JC, original ba yang shades mo?’
“Natawa ako kasi hindi ko alam kung maiinis ba ako o maaasar ako sa kanya.
“Pero definitely, na-offend ako.
“Pero alam ko namang hindi niya mini-mean kasi, yun nga, hindi naman kami talaga magkakilala pa o close.
“Hindi ko rin alam kung intentionally ba niyang gustong punahin kung totoo ba yung shades ko o fake.
“Sumagot lang ako na, ‘Orig to!’ Pero alam mo yung awkward moment na parang ‘Anong isasagot ko sa yo? Bago lang ako dito tapos tatanungin mo ako nag ganyan. Parang, mukha ba akong nagsusuot ng fake?’”
Sinabi ni JC na bagaman halo-halo ang emosyon ang naramdanan niya ay hindi naman siya nagdamdam kay Alex.
“Inisip ko na lang na baka ayon yung way niya for being friendly,” paliwanag ng aktor.
Dugtong ni JC, magkaibigan na sila ngayon ng aktres.
“After naman nun, gumawa pa kami ng project together ni Alex, yung comedy din [kaya okay kami],” chika niya.