Jason hindi babaero – Melai

IPINAGTANGGOL ng komedyana at TV host na si Melai Cantiveros ang asawang si Jason Francisco sa mga tsismis na nambababae ito.

“Sobra ang swerte ko sa asawa dahil siya ang pinaka-faithful sa lahat,” ani Melai sa panayam ni Bernadette Sembrano.

Sinisi ni Melai ang mga marites sa social media na walang-tigil sa pang-iintriga sa mister.

“Iyan ang problema online. Hindi mo maiwasan dahil hindi naman nila alam. So gagawa sila ng.. kasi gwapo naman si Jason,” aniya.

Gayunman, iginiit niya na hindi niya kailangang magpaliwanag sa publiko ukol sa nangyayari sa kanilang pribadong buhay.

“Hindi naman namin kailangan mag-explain sa kanila uy,” pahayag ng komedyana.

“Ang asawa ko naman ang sabi: ‘Wag mo akong ipagtanggol sa ganyan. Parang iisipin nila may isyu talaga.'”

Sa kabila ng mga intriga, nagpapasalamat si Melai dahil sa dami ng proyektong dumarating sa kanya. Aniya, sapat ang kinikita niya para suportahan ang pamilya at mga magulang na kapwa may sakit.

“‘Si mama nga isa na lang ang kidney… nagkasakit sa isang kidney. Si papa naman may prostate cancer,” pahayag niya.

“Thank you, God nasu-survive dahil nabibigyan ng trabaho at nasusustain ng needs ng parents mo,” dugtong niya.