HUMIHINGI ng tawad sa sambayanang Pilipino ang aktor na si Jason Abalos dahil ibinoto umano niya si Pangulong Duterte noong 2016 elections.
Ni-retweet ni Abalos ang news post ng GMA-7 kung saan mababasa ang quote ng Pangulo na, “Even if I go there, I said, with Secretary Lorenzana, and sail there, and ask questions, walang mangyayari. Sasagutin ka lang. But you know the issue of the West Philippine Sea remains to be a question forever until such time you know that we take it back.”
Ang reaksyon ni Abalos: “Isa ako sa mga bumoto dito (Duterte). Patawarin nyo ako mga kababayan ko, ang gusto ko lang naman ay pagbabago,” aniya.
Mababasa rin sa news post ang pangako ni Duterte noong siya ay nangangampanya pa lamang: “Bababa ako at sasakay ng jetski, dala dala ko ang flag ng Filipino at pupunta ako dun sa airport [ng China] tapos itanim ko. I will say, ‘This is ours and do what you want with me’.”