Jasmine payag makipaglaplapan kay Alden

KUMPORTABLE si Jasmine Curtis kay Alden Richards kaya walang problema kung may kissing scene sila.


Ani Jasmine, hindi siya basta-basta pumapayag sa mga kissing scenes lalo na kung hindi ito kailangan.


“Ito kasi kailangang maipakita ‘yung maturity ng characters saka ‘yung pagiging naive din nila,” ani Jasmine.


“Napakakumportable na ng pakikisama namin sa isa’t isa, And it came off very natural,” dagdag pa ng kapatid ni Anne Curtis.


Para sa aktres, isa si Alden sa mga pinaka-professional actors sa GMA.


“Dahil sobrang professional ng attack niya in terms of what he wants to do sa acting niya and ganoon din ako, jive agad,” aniya.


Magkatambal sina Alden at Jasmine sa bagong teleserye ng Kapuso Network na “The World Between Us.” –A. Mae Rodriguez