Janus del Prado nagpatama kay Maris Racal, naawa kay Anthony Jennings

TEAM Anthony Jennings ang aktor na si Janus del Prado dahil hindi aniya “pa-victim” ang “Incognito” star.

Sa Thread ay ibinahagi ni Janus ang larawan ni Anthony matapos itong humingi ng tawad sa publiko sa kinasasangkutan nito na cheating issue.

“Yung mukha mo nung iniwan ka niya sa ere at itinapon sa ilalim ng bus nung nagkabukingan na,” paglalarawan niya kay Anthony.

Pakikisimpatiya pa ni Janus sa rumored boyfriend ni Maris Racal: “Di man ako agree sa ginawa niya pero I kinda feel bad for him. I like his public apology. Straight to the point. Walang sinisi na iba. Di ginamit yung mga gasgas na palusot na ‘Pasensya na tao lang kagaya niyo’ at ‘Di ako perpekto kasi walang taong perpekto.”

“In short, he held himself accountable sa mga nangyari dahil sa mga ginawa niya. Di siya nagpavictim to avoid accountability. Sana all,” dagdag niya.

Kaugnay nito, sinopla ni Janus ang mga netizens na sinasabing hindi dapat pinakikialaman ng publiko ang buhay ng mga artista.

“Sa mga nagsasabi na walang pakialam ang mga tao sa buhay ng mga artista kasi wala naman silang ambag sa buhay nila. Ok. Pero wag din sana umasa ang mga artista na tangkilikin sila kapag may mga bago silang project na gusto nila kumita,” punto niya 

“Never attack your audience. Tanggapin niyo man o hindi. Sila ang naglagay sa inyo dyan. Kasi kung di kayo marketable. Kung di nila kayo sinuportahan. Kung di sila nagbabayad para mapanood kayo. Di kayo bibigyan ng projects ng mga boss niyo. Gets?” sambit pa ni Janus.