CRUSH na ni Janine Gutierrez si Matteo Guidicelli kahit noong bago pa pumasok sa showbiz ang aktor.
“Hindi pa siya artista noon but I would see him kasi he would race with papa (Ramon Christopher),” kwento ni Janine.
Sa sobrang pagka-crush niya kay Matteo, sinabi ni Janine na, “I would practice my signature using Guidicelli ‘yung apelyido ko.”
Nilinaw naman ng aktres na fan siya ng misis ni Guidicelli na si Sarah Geronimo at sobrang saya niya nang ikasal ang dalawa.
Samantala, inamin ni Janine na wala pa siyang balak magpakasal ngayon.
Happy naman saw siya bilang girlfriend ni Rayver Cruz.