James ready nang lumagay sa tahimik

SA edad niya na 31, inihayag ni James Reid na handa na siyang lumagay sa tahimik.

Sa isang panayam, isiniwalat ng actor-singer na nagbago na ang kanyang mga prayoridad sa buhay.

“I feel it. I definitely feel it. Priorities are changing. It’s really trying to see my music through, trying to see my career through, really just doing things the right way. And maybe settling down soon,” wika ni James.

Tila nagulat naman ang boyfriend ni Issa Pressman sa kanyang nasabi.

“I should’ve not said that. Never mind!” sundot ni James.

Idinagdag niya na si Issa ang nakikita niyang babaeng ihaharap sa altar.

“I think so,” wika niya. “I think I learned a lot from my 20s and hopefully we all do.” 

Samantala, sa kanyang pagsalang sa “Fast Talk with Boy Abuda,” inamin ni James na “hotdog” ang kanyang favorite street food at “morning” at “summer” naman sa part of the day at sa season.