INAMIN ng aktor na si Jake Cuenca na nahirapan siyang talikuran ang pag-inom ng alak, lalo na noong inaatake siya ng depresyon dahil sa problema.
Sa isang panayam, sinabi ni Jake na inabot ng ilang taon bago niya tuluyang nahinto ang paglaklak.
“Quitting alcohol was the most difficult thing I ever had to do. Talagang ang hirap! It’s hard and then you go through a problem and then you wanna drink din, alam mo ‘yun?” aniya.
“And then you have to really parang go through obstacles to confidently say na, ‘OK, hindi na ako iinom.’ I’ve put in so many years na I can confidently say, ‘Hindi na ako iinom.’ But like a year is not even enough to say that. Parang two years you’re just getting the confidence to say it. On the third year mo masasabi na, ‘Okay, I can live without ever drinking again’,” dagdag ng aktor.
Nagpapasalamat naman siya sa Diyos at sa mga kapamilya at kaibigan dahil nalagpasan niya ang nasabing struggle.
Ani Jake, maraming magagandang resulta ang pagtigil niya sa pag-inom.
“Because of kumbaga moving on and making those decisions, nakita mo all these great things happen in your life. So, parang nandu’n na ako sa this is the right path. This is the right decision,” sey ng aktor.
Payo niya sa mga taong gusto na ring huminto sa bisyo: “Be patient. Hindi siya madali minsan pero you just have to trust the process. Trust God na ito ‘yung tamang path.”