Jake Cuenca binisita Grab driver na nadamay sa ‘shooting’

BINISITA ni Jake Cuenca ang driver na tinamaan ng bala matapos pagbabarilin ng pulis ang sasakyan ng aktor.

Kamakailan ay nagkaroon ng engkwentro ang pulis at si Jake kung saan hinabol ang aktor at pinagbabaril ang gulong ng sasakyan nito dahil nasagi umano niya ang sasakyan ng pulis.

“Masaya ako na nagkaroon ako ng pagkakataon na madalaw si Eleazar Martinito, ang Grab driver na nasaktan sa isang insidenteng hindi ko malilimutan. Taos pusong pasasalamat sa mga pulis na tumulong sa iyo at naging tulay para makilala kita,” chika ni Jake.

“Hangad ko ang iyong patuloy na kaligtasan at nawa’y makabalik agad sa iyong trabaho. Nandito lang ako para sa’yo, Ely!” dagdag niya.

Chika naman ni Paulo Avelino na pupuntahan sana niya si Jake sa bahay nito matapos ang insidente.