NAGLULUKSA ang magkapatid na Jak Roberto at Sanya Lopez sa pagkamatay ng alaga nilang aso na si Dani Boy.
Nagpaalam ang magkapatid sa kanilang fur baby sa pamamagitan ng mensahe sa Instagram.
“Run free Dani Boy. Isa sa pinakamasakit at mahirap tanggapin na pangyayari ito. Halos araw araw ka sa lap ko dati pag nauupo ako. Kahit matagal na kita di nahawakan at nakasama sobrang ikinalulungkot ko ito, mahirap pero kailangan tanggapin. Mananatili kayo ni Jong-jong sa puso namin, thank you for the happy memories. Our most behave and clingy dog. Mahal na mahal namin kayo ni Jongjong,” ani Jak.
Pahayag naman ni Sanya: “Ang sakit palagi na mawawala nalang silang bigla Yung di mo alam bakit yung akala mo na palagi lang silang nanjan para sayo. Pero bigla nalang wala na sila. Ang sakit sakit sobra. Thank you Dani, my little Danaya boy. Thank you for giving us so much love. I love you. Run free my Dani boy makakapag laro na ulit kayo ni Jongjong.”