NAIBENTA ng aktor na si Alden Richards sa halagang P45,000 ang jacket niya na isa sa mga memorabilia mula sa pelikulang “Hello, Love, Again,” ang highest grossing Filipino movie.
Kamakailan ay nagpa-fund raising si Alden para sa kanyang AR Foundation kung saan ilang mga personal belongings niya ang ipinasubasta.
Ang highlight ng auction ay ang jacket na may tatak na “Ethan,” ang karakter niya sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye” at ang sequel nito na “Hello, Love, Again.”
Nagwagi rito ang babaeng fan na may bid na P45,000.
Sa video clip ay makikitang hinubad ni Alden ang suot na jacket at ipinatong ito sa nasabing fan.
Bukod dito, binigyan din ni Alden ng stuffed toy ang winning bidder.
Niyakap ni Alden ang babae saka nagpasalamat.
Itinayo ni Alden ang AR Foundation para matutustusan ang pag-aaral ng mga mahihirap na estudyante.
“When it comes to education, kino-consider ko siyang investment to change people’s lives. That’s the most precious gift you can give to someone na dadalhin nila in their lifetime,” ani Alden.