Ivana pagod na, lalayas na sa ‘Quiapo’

INAMIN ng kampo ng aktres at social media star na si Ivana Alawi na magpapaalam na ito sa hit action-serye na “FPJ’s Batang Quiapo.”

Sa isang panayam, isiniwalat PPL Entertainment Inc., ang management agency ni Ivana, na hanggang sa katapusan na lang ng July ang taping ng aktres.

“Ayaw na niya. Pagod na,” sagot ng agency sa rason ng pamamaalam ni Ivana sa ABS-CBN series.

Todo-tanggi naman ang kampo ni Ivana sa kumakalat na chika na nagkaroon na ng attitude ang aktres kaya tsutsugiin ito at papalitan ni Kim Domingo bilang love interest ng bidang si Coco Martin.

Matatandaang sinabi noon ni Ivana na malaki ang kinikita niya sa pagba-vlog at pagla-live selling.

Nitong Mayo lang ay kumita si Ivana ng P10 million sa ilang oras lang na live selling.

“Pwede siyang mag-nine digits kaso naubusan na kami ng stocks. So wala na kaming mabenta,” aniya.