Ivana Alawi nanguna sa YouTube 2021 content creator

BUMIDA na naman ang actress-vlogger na si Ivana Alawi matapos tanghalin bilang top YouTube content creator sa Pilipinas ngayong taon.

Ayon sa Google Philippines, may 14.1 million subscribers na si Alawi sa video-sharing platform simula nang mag-join ito noong 2018.

Maging ang kapatid niyang si Hash Alawi ay kabilang sa top 10. Nasa ika-9 na pwesto si Hash.

Ilan sa mga napatrending nang husto ni Ivana ay ang pamimigay niya ng relief packs sa mga less fortunate at tuwing may kalamidad. Pumatok din ang pagbibigay niya ng pabuya sa mga food delivery riders dahil sa malaking tulong ng mga ito lalo na sa kasagsagan ng pandemya.

Noong isang taon, siya rin ang nanguna bilang YouTube content creator sa bansa.

Bukod kay Ivana, pasok din sa top 10 sina Zeinab Harake, Alex Gonzaga, Toni Gonzaga, Donnalyn Bartolome, Vice Ganda, Skusta Clee, Mika Salamanca, Hash Alawi at Cong TV.