IDINEKLARA ng aktres at social media star na si Ivana Alawi na hindi siya sasabak sa politika.
Sa TikTok video, sinabi ni Ivana na hinding-hindi siya papasok sa isang bagay na wala siyang alam.
“Bakit naman ako tatakbo sa ngayon? Wala ako alam sa politics, wala akong alam sa paggawa ng batas. And siguro kung papasok ako sa ganyan, dapat mag-aral ako ng three to four years because I don’t want to put the country at risk,” aniya.
Dagdag ng dalaga, kaya niyang tumulong kahit hindi siya politiko.
“Bakit ako papasok sa isang bagay na hindi ako handa? A lot of people would say, ‘e gusto ko kasing makatulong sa Pilipinas, makatulong sa kababayan natin’.
“Guys, kaya nating gawin ‘yon even without being into politics. Kahit wala kang posisyon, wala kang upuan kaya mo makatulong. Hindi mo kailangang maging kongresman o mayor or councilor para makatulong ka,” punto niya.
Iginiit din niya na dapat ipagbawal ang mga bobo sa listahan ng mga kakandidato.
“Kapag papasok ka sa politics at ipaglalaban mo ang Pilipinas dapat may utak ka. At hindi lang ‘yon, dapat may laman ang utak mo,” sambit ni Ivana.