Ivana Alawi balik-ospital

ILANG araw mula nang makalabas ng ospital ay muling isinugod sa pagamutan ang aktres at social media personality na si Ivana Alawi.

Shinare ni Ivana sa Instagram na hindi pa nakare-recover nang husto ang kanyang katawan kaya balik-confinement siya.

“Had to be rushed back to the hospital since my body didn’t recover well,” caption ni Ivana sa photo ng kanyang braso na may nakakabit na tubo.

Nito lang Martes nang ianunsyo ni Ivana na nakalabas na siya ng ospital makaraang ma-confine nang ilang araw.

“Finally! Done with the hospital. Can’t wait to go back to work!” sabi niya.

Hindi naman idinetalye ng aktres ang dahilan ng kanyang pagkakaospital.