Isko hindi ikinahihiya ang paghuhubad sa pelikula noon

HINDI ikinahihiya ni Manila Mayor Isko Moreno ang ginawa niyang pagbibilad ng katawan sa ilang pelikula niya noong nag-aartista pa siya.


“Makikita ninyo ‘yung buong katawan ko except ‘yung harapan ko. E, ano naman ngayon? Artista ako. At wala akong nakikitang masama sa ginawa ko,” giit ni Moreno.


Aniya, naging masaya ang kanyang naging buhay sa showbiz at marami siyang natutuhan bilang artista.


“Anything na ginawa ko sa showbiz, I’m happy I survived. Pinagdaanan ko ‘yon at marami akong natutunan do’n,” dagdag ni Yorne.


“Wala naman maitatago pa sa akin. Bulatlat na ang buhay ko. Open book naman yan! Meron akong ups and downs, mga challenges. It was made public. It’s an open book. I’m not ashamed of that,” aniya pa. –A. Mae Rodriguez