Iris Lee nag-birthday kasama si Xian

NAGDIWANG ng kanyang kaarawan ang film producer na si Iris Lee kasama ang boyfriend na si Xian Lim.

Ibinahagi ni Iris sa Instagram ang video ng date nila ni Xian kung saan steak ang kanilang dinner.

“Quick dinner to welcome a new year for me,” ani Iris sa caption.

Kamakailan ay naispatan sina Iris at Xian sa Cannes Film Festival sa France. 

Noong May ay kinumpirma ni Xian ang relasyon nila ni Iris, ilang buwan makaraan silang mag-break ng longtime girlfriend na si Kim Chiu.

Pero December pa lang ay kumalat na ang tsismis na nagkakamabutihan na sina Iris at Lee base sa ulat ng showbiz insider na si Ogie Diaz