Ion Perez aatras na sa pagtakbo?

Vice, Ion

ITO ang tanong ng showbiz insider na si Ogie Diaz makaraang maglabas ng cryptic post sa social media ang mister ni Vice Ganda na si Ion Perez.

Sa episode ng “Showbiz Update,” pinag-usapan ni Ogie at mga kasamang sina Mama Loi, at Mrena ang kontrobersyal na post ng “It’s Showtime” host.

“Ang post kasi ni Ion was, ‘Salamat sa sign, Lord. Alam ko mas makakabuti itong desisyon ko para sa sarili ko.’ Tapos noong sinend sa akin ni Mrena, ini-scroll-scroll ko ‘yung mga comments,” ani Mama Loi.

“So ‘yung iba tinatanong, ‘Aatras ka na ba sa kandidatura mo?’ E, ‘di ba naibalita mo, Nay, na feeling mo may aatras?” dagdag niya.

Kung pagbabasehan ang post ay parang aatras sa eleksyon ang dating, sabi ni Ogie.

“Kung pagbabatayan natin ‘yung cryptic post na ‘yan ni Ion Perez kasi nakaitim ‘yung background niya. So, parang malungkot na balita ‘yung dating. Na parang, ‘Ano ‘to? Aatras ba ‘to?’ Kasi kung makakabuti itong desisyon ko para sa sarili ko, dapat hindi black ‘yong background,” paliwanag ni Ogie.

Matatandaan na naghain ng kanyang certificate of candidacy si Ion para sa kanyang pagtakbo bilang konsehal ng Concepcion, Tarlac sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition.

Bukas ang PUBLIKO sa panig ni Ion at ng kanyang kampo.