Ion flinex si Vice: Embrace! Muhluv

MULING isinapubliko ng TV personality ang kanyang pagmamahal sa partner na si Vice Ganda, ilang oras makaraang hubarin ni Unkabogable Star sa harap ng kamera ang wig nito bilang pakikisimpatiya sa isang babae na mayroong alopecia.

Shinare ni Ion sa IG ang larawan nila Vice na kuha sa bakasyon nila sa Japan.

“Embrace! Muhluv,” caption niya.

“We will forever feel each other’s embrace. Together or apart we will always feel each other’s love and warmth. With your embrace i feel not just your love. I feel God’s love.  ❤️,” sambit ni Vice sa comment section.

“And until the next life i will still choose you mwah,” reply ni Ion.

Bago ito, pinuri ng publiko si Vice nang alisin nito ang wig bilang suporta sa babaeng searchee ng “Expecially For You” segment ng “It’s Showtime” na naglalagas ang buhok bunsod ng alopecia.

“Hindi na ako affected sa mga panget na panget sa akin pag walang wig… May wig o wala may nagmamahal dito no, bukod kay Ion mahal ako ng nanay ko, mahal ako ng mga kapatid ko, mahal ako ng pamilya ko, mahal ako ni Lord,” ani Vice.