Interview ni Toni kina Carlos, Chloe sa YouTube burado

BURADO na ang orihinal na video ng panayam ni Toni Gonzaga sa “golden couple” na sina Carlos Yulo at Chloe San Jose sa YouTube.

Ang ugat ng pagkaka-delete sa nasabing episode ng “Toni Talks”: ginamit nito ang footage ng performance ni Yulo sa Paris Olympics 2024 na pag-aari ng International Olympic Committee (IOC).

Unang sinabi ng kampo ni Toni na “technical issue” ang dahilan kaya nawala ang video pero kinalaunan ay napag-alaman na na-block ito kaugnay sa  copyright.

“We know how much you’ve been looking forward to this conversation and truly appreciate your patience and understanding as our team addresses the matter,” ayon sa kalatas ng Toni Talks.

Ni-reupload naman ng channel ang video makaraan ang ilang oras matapos tanggalin ang footage mula IOC.