LIGTAS ang singer-actor na si Iñigo Pascual at ang kanyang pamilya sa gitna ng pananalasa ng wild fire na tumupok sa malaking bahagi ng Los Angeles sa California.
Kabilang ang pamilya ni Iñigo, anak ni Piolo Pascual, sa daan-daan libong residente ng mga lugar sa Southern California na lumikas sa kasagsagan ng sunog.
Nasa siyam ang naiulat na nasawi at libo-libong bahay, kabilang ang mga pag-aari ng mga celebrities na sina Paris Hilton, Anthony Hopkins, at Ana Faris, ang naabo.
“Thanks to everyone thats checked in. Haven’t been able to respond to all the messages. My family evacuated where we live last night and everyone is safe including our furry fam members,” ani Iñigo sa Instagram post.
“Praying and claiming for this to end soon. Sending prayers to everyone in LA, esp to those who lost their homes,” dagdag niya.
Pinaalalahan niya ang iba pang residente ng LA na maging mapagmatyag.
“If you’re in LA, please stay alert: the Fires just seem to pop out of no where,” sabi niya.