Ina ni Hipon dismayado sa resulta ng pageant?

NANINIWALA ang ina ni Bb. Pilipinas 2022 First Runner-up Herlene Nicole “Hipon” Budol na deserving ng korona ang kanyang anak.

Sa isang panayam, sinabi ni Len Timbol na “perfect” ang performance ni Hipon sa timpalak.

“Sa palagay ko po, binigay pong lahat ni Hipon. Ginawa po niyang lahat. Perfect! Hindi naman alam kung bakit ganun ang naging resulta,” aniya. “Para po sa akin, ang anak ko ang winner.”

Gayunman, nagpapasalamat pa rin siya na naka-first runner-up ang anak.

“Anyway, masaya naman po kami para sa kanya. Hindi kami umuwing luhaan. Okay naman po at panalo pa rin,” dagdag ni Len.

Samantala, inilarawan naman niya na “super” ang performance ng anak sa question and answer segment.

Pero, hirit niya, talagang nagpakitang-gilas si Hipon sa swimsuit competition.

“Para sa akin, ‘yung pinakabonggang performance is ‘yung sa swimsuit po. Talagang napakagaling po niyang rumampa, ‘yung walk niya sobrang ganda. Medyo disappointed dahil inaasahan naming siya ang best in swimsuit, pero iba po ‘yung in-announce. It’s okay lang po, laban ‘yan e,” paliwanag ng ina.