Ina nanghihinayang kay Jake Zyrus

GUSTONG ibalik ni Raquel Pempengco ang mga panahon na mabango pa sa publiko ang pangalan ng anak na si Jake Zyrus.

Sa Facebook, ni-repost ni Gng. Pempengco ang isang video ng batang-batang Jake na Charice pa ang ginagamit na pangalan.

Hirit ng ina sa caption: “Kung ganito lang sana boses niya di sana di pa rin nawala sa limelight, sabi niya.

Umaasa naman siya na babalik pa rin ang “dating Charice” na minahal ng mundo.

“Di pa naman huli…Habang buhay may pagasa…It is what it is kahit itago at palitan lulutang pa din,” dagdag niya.

Ipinamalaki naman niya ang pagkakasali ng anak sa Glee, ang dating sikat na TV program sa US.

“The only pure Pinay who passed the audition. Tama ba ako?” wika niya.

Sa hiwalay na post, ganito rin ang sentimento ni Gng. Pempengco ukol sa anak pero may dagdag na puna.

“Sana maalala mo nung oras na ito kung paano ka dinaya…Nung nakamit mo na pinabayaan mo…Tao nga naman hinde marunong makuntento. Di pa huli mahaba pa ang panahon. Laban lang,” aniya.