Ina-inahan namayapa, Ai Ai nagluluksa

NAGDADALAMHATI ang komedyanang si Ai Ai delas Alas sa pagpanaw ng kanyang adoptive mother nitong Huwebes.

Sumakabilang buhay si Justa delas Alas, kapatid ng biological father ni Ai Ai, sa edad na 93.

“Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil hindi nahirapan ang nanay ko nang umalis siya,” ani Ai Ai.

“Thankful din ako dahil napagsilbihan ko siya bago namatay. Bago ako umalis noong Martes, nagpaalam ako sa kanya. Sabi ko, ‘I love you, I love you.’ Pabulong ang sagot niya sa akin ng ‘I don’t love you’ dahil palagi niya akong binibiro,” dagdag niya.

Sa isang Instagram post, nagbigay-pugay si Ai Ai kay Justa na umampon sa kanya noong sanggol pa lamang siya.

“Mami-miss kita MAMA, MOMMY, MOTHER GOOSE, MUDRAKELS, and originally INAY.. 90th b-day n’ya to .. hindi na niya inabot sa July 19 dapat 94 na s’ya.

“Di bale mama goodlife ka naman atsaka hindi ka nahirapan sa pag alis mo (the best ka talaga LORD super pray ako kanina na ‘wag ka mahirapan and hindi nga).

“I love you and thank you sa pagmamahal, pag-alaga, at pagpapaaral sa akin. Rest ka na mama .. kamusta mo ako kay LORD AND MAMA MARY,” ani Ai Ai.