Ilang netizens hindi nagandahan kay Andrea Brillantes

KUNG marami ang natuwa nang tanghaling “Most Beautiful Face in the World” ng isang international critics list si Andrea Brillantes ay mayroon din ilan na nagmaasim at sinabing hindi karapat-dapat sa titulo ang aktres.

Sa video na inilabas ng Star Magic sa social media, sinabi ni Andrea na na-excite siya nang ianunsyo ng TC Candler na siya ang nanguna sa listahan.

Gayunman, inilahad ng aktres na naniniwala siya na ang kagandahan ay hindi lang panlabas.

“Sana ma-inspire kayo to celebrate your own kind of beauty,” chika niya.

Ilang netizens naman ang nagsabi na hindi katanggap-tanggap ang pagkakahirang sa Kapamilya actress bilang “Most Beautiful Face in the World.”

“Beautiful yes but not the most beautiful in the world.”

“Don’t get me wrong, she is pretty but it’s not all natural.”

“It’s a no for me. Many other prettier faces than hers.”

“Parang hindi naman sya ganun kaganda, sabe nga ng Pinoy na nakita sya sa Italy, hindi naman nakaka excite ganda nya.”

“And we know this isn’t true. Ano? Tinalo pa nya sa face card si Song Hye Kyo and Gal Gadot?”

“Kita ko to sa personal. hindi head turner average lang ang fez. sorry na.”