NAGSALITA na si Maris Racal kaugnay sa isyu ng umano’y pagtataksil niya at ng rumored boyfriend niya na si Anthony Jennings sa kani-kanilang mga karelasyon.
Sa panayam ng ABS-CBN, humingi ng paumanhin si Maris sa mga nasaktan at nadismaya sa pangyayari na nagsimula nang isapubliko ni Jamela Villanueva ang screenshot ng palitan ng chat sa pagitan ng ex-boyfriend nito na si Anthony at ng ka-loveteam.
“When I read it, I was gutted, I was shocked. I‘m truly embarrassed. Dahil nakita lahat ng tao ‘yon without my consent, against my will,” aniya ukol sa kumalat na chat.
Punto niya, wala siyang alam sa nangyayari sa pagitan nina Jam at Anthony.
“This is my side and I’ve been reading the screenshots. Dun ko napagtagpi-tagpi ang lahat. Kaya pala hindi siya (Anthony) maka-release ng statement dahil sila pa pala this whole entire time. I didn’t know. I was in the dark. I had no idea,” tila paninisi niya kay Anthony.
Naging emosyonal naman si Maris nang aminin niya ang kanyang mga maling nagawa.
“To the public, I am sorry you got to see that very intimate side of me. Ganun talaga ako pag nabigay ng pagmamahal. It was supposed to be private. It was supposed to be a private, intimate thing,” sambit niya.
“I’m sad na nakita yun ng tao and yes I don’t want to play the victim here. Nagkamali din talaga ako. I want to say sorry to those people I have hurt. I reached out to Jam last November and I didn’t get a reply,” dagdag niya.
“I’m truly sorry to those people who supported me for 10 years. Alam nila lahat na ginapang ko ‘yung career ko mapunta lang san ko gusto. Ginawa ko lahat, pinaghirapan ko lahat sa tulong nila, nagagawa ko yung mga gusto ko,” wika pa ng aktres.
Dagdag niya, hiyang-hiya sa sarili tuwing lalabas siya ng bahay.
“I don’t know where I’m gonna go. I don’t know saan ako pupunta. Yung dignidad ko hindi ko na mahanap. Whenever I go out, whenever I walk I feel like a naked woman walking. I’m so embarrassed and I’m sorry you get to see that,” sabi pa ng aktres.
Sa kabila nito, iginiit ni Maris na natuto siya sa pangyayari at tuloy ang buhay at pagtatrabaho niya.
“I can assure you tuloy pa rin ako. Tuloy pa rin ang laban. Magtratrabaho pa rin ako kahit mahirap. Hindi pa rin namamatay ‘yung apoy sa puso ko,” lahad niya.
Dugtong ng aktres: “What you saw was not a perfect human. I’m far from being perfect. What you saw was a human being and I really am just a human being.”