Hiwalayang Moira-Jason, fake news

TINAPOS na ng mag-asawang sina Moira Dela Torre at Jason Marvin Hernandez ang kumakalat na chika na naghiwalay na silang dalawa.

Sa Instagram ay minention ni Moira ang asawa sa isang post kung saan kasama niya ang social media influencer na si Mimiyuh na kumakain ng noodles sa isang restaurant sa Singapore.

“Look @jasonmarvinph its ur favorite,” ayon sa singer.

Ni-repost naman ito ng asawa na may caption na, “Chatterbox?! i want.”

Nitong nakaraang mga araw ay napabalitang hiwalay na ang dalawa dahil sa mga cryptic posts at pagbubura ng ilang larawan nila sa Instagram.