Hipon ipina-Tulfo dating manager

HUMINGI ng tulong kay Sen. Raffy Tulfo ang actress-beauty queen na si Herlene Nicole Hipon Budol upang ireklamo ang dating manager na hinihingian pa rin siya ng komisyon hanggang ngayon.

Sa programang Wanted sa Radyo, idinulog ni Hipon kay Tulfo ang problema sa dating manager na ibinulsa umano ang karamihan sa mga perang kinita niya sa mga endorsements niya.

“For almost 2 years ay nag suffer po ako sa panahon ng pandemia na hindi ko man lang mapa-enjoy ang Nanay Bireng ko hanggang sa pagpanaw nya,” kuwento niya.

Matagal din umanong pinag-isipan ni Hipon ang gagawing pagrereklamo sa dating manager na naging kaibigan niya sa programang Wowowin.

“Binigyan kita ng mahabang panahon para ayusin itong aberyang iniwan mo sa akin at wala kang proper endorsement mga documents at never ako nakakita ng kontrata. Kung hindi pa ako nag lpursige at nag-move forward at lumapit kay Ate Madam inutz at kay Sir Wilbert Tolentino hanggang ngayon walang kamuwang muwang na tao [pa rin ako],” aniya.

Hindi naman natagpuan ng mga tauhan ni Tulfo ang dating manager dahil wala ito sa tinutuluyang bahay.

Gayunman, nagpasalamat pa rin si Hipon sa tulong ni Tulfo.

“Marami maraming salamat po Senator Idol Raffy Tulfo sa pagtulong at pag-action sa aking pinagdadaanan,” sabi niya.