Herlene nakapamasko ng P1K kay Jose Mari Chan

TINAWAG na ninong ni Herlene Budol ang legendary singer na si Jose Mari Chan makaraan siyang bigyan nito ng P1,000 na pamasko.

Sa Instagram, shinare ni Herlene ang video ng pagkanta ni Jose Mari ng “Christmas In Our Hearts” sa programang Tiktoclock ng Kapuso network.

Habang kumakanta ang singer ay nag-adlib ng “stupid,” na mula sa isang Pinoy rap song, si Herlene.

“Ano ‘yun Chinese?” tanong ni Jose Mari na napahinto sa pagkanta. “Hindi po background lang po,” sagot ng aktres sabay dagdag na nangangaroling siya sa Pinoy music icon.

Agad naman na dinukot ni Jose Mari ang pitaka sabay abot ng P1,000 kay Herlene. Sa tuwa ay nagtatalon ito. “First time ko sa tanang buhay ko na napamaskuhan ako ng isang libong piso!” sabi ni Herlene.