Heart ginawang ‘santa’; ‘biniyayaan’ mga nagdasal sa kanya

SINAGOT ng aktres at style icon na si Heart Evangelista ang “prayer petition” ng isang TikTok content creator para sa mga niloko at iniwan ng kanilang mga jowa.

“Dasal” ni Jonna Cenica kay “Our Lady Heart Evangelista”:

“Magtipon-tipon tayo mga kapatid at maghawak-hawak tayo ng kamay.

“Para sa mga magagandang nanampalatayang walang kabit ang asawa nila—Our Lady Heart Evangelista, please pray for us.

“Para sa mga diyosang nagtatrabaho pa kahit milyonaryo na at pinagpalit sa mukhang paa—Our Lady Heart Evangelista, please pray for us.

“Para sa mga nasisi pa kahit ‘yung kabiyak naman nila ang unang nang walanghiya—Our Lady Heart Evangelista, please pray for us.”

Narinig naman ni Heart ang petisyon ni Cenica. “Omg!! Prayer granted,” sey nito.

“Nahimatay ako 3 hours!!!!!! prayer of thanks to Our Lady Evangelista,” sagot naman ni Cenica.