Heart Evangelista: Pinagtrabauhan ko po ‘to


AYON kay Heart Evangelista, lahat ng mga nakikitang maganda at pabolosong bagay sa kanya ng publiko ay bunga ng kanyang sariling pagtatrabaho.


“I know you guys look at me and: ‘Ah kasi ganito, ganyan.’ No dear. Pinagtrabauhan ko po ‘to,” ayon sa aktres, painter, vlogger, entrepreneur, endorser at style icon.


Kung sa tingin ng tao ay “privileged” siya, klinaro ni Heart na matagal na siyang hindi sinusuportahan ng kanyang mga magulang.


“Hindi ako umasa sa magulang ko. Well, only up to a certain time,” ani Heart.


“I had allowance untiI was like 20, 21, pero nung nag-away na kami, they cut my allowance. Nawaley! It got difficult, so I worked,” kwento niya. –A. Mae Rodriguez